2 WANTED SA RAPE SA IFUGAO, APAYAO, NASAKOTE

CAMP DANGWA, Benguet – Dalawang wanted sa kasong rape sa lalawigan ng Ifugao at Apayao, na ang isa ay ibinilang sa Most Wanted Person ng Department Of Interior and Local Government (DILG), ang magkasunod na nadakip sa kanikanilang pinagtataguan.
Nabatid kay Capt. Marnie Abellanida, deputy regional director ng Police Regional Office-Cordillera, dakong alas 2:30 ng hapon ng Marso 22 nang madakip ng magkasanib na tauhan ng Alfoso Lista, Ifugao Municipal Police Station at Paniqui, Tarlac MPS, ang suspek na si Romulo Garcia,62, sa kanyang hideout sa Purok 6, Barangay Mabilang, Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Abellanida, si Garcia, na tubong of Barangay Simimbaan, Roxas, Isabela, ay dinakip sa bisa ng Alias Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Efren M.Cacatian, ng Branch 15, Regional Trial Court, Alfonso Lista, Ifugao,sa kasong 2 counts of rape.
Napag-alaman na ang kasong rape ay naganap noong 1996 na ang biktima ay malapit na kamag-anak ng suspek hanggang ito ay mabuntis. Isinampa ang kaso ng ina ng biktima noong Marso 1997. Ang suspek ay ginagamot ngayon sa Tarlac dahil sa sakit nito.
Sa Apayao, kasalukuyang nakakulong ngayon sa Sta Marcela MPS ang suspek na si Lendi A Valencia, 45, matapos masakote ito sa kanyang tirahan sa Barangay Nueva, Sta. Marcela, Apayao.
Si Valencia na tinaguriang No.3 Provincial Most Wanted Person ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Victor Cumigad, ng Branch 26,RTC, 2nd Judicial Region,Luna, Apayao sa kasong 3 counts of rape.
Kinasuhan ang suspek sa panggagahasa sa isang 13 taon gulang na babae noong Oktubre 30, Nobyembre 6 at Nobyembre 19, 2021.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon