20 STUDENTS NAGPAGALINGAN NG PAGPINTA SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD, Benguet

Dalawangpung high schoolers ang nagpamalas at nagpakitang-gilas ng kani-kanilang talento sa
larangan ng sining at pinta sa naganap na taunang Art and Mural Competition noong Marso 7-8 sa bayang ito. Naganap ang kompetisyon sa harapan ng Tourism building, na bahagi sa kasalukuyang
selebrasyon ng Strawberry Festival na naglalayong pagtuunan ng pansin at hubugin ang talento ng mga kabataan ng munisipalidad, at mailahad sa pamamagitan ng sining ang kagandahan ng
festival at pagbangon mula sa pandemya.

Ayon kay Valred Olsim, municipal tourism officer, isa narin itong tradisyon dahil sa taunang pagsagawa ng ganitong aktibidad. Inilahad naman ng isa sa kalahok na malaking oportunidad ang ganitong aktibidad upang maipakita ng mga kabataang artist ang kanilang talento sa pagpinta.
Ang matatanghal na panalo ay iaanunsyo sa Marso 19, na may kalakip na cash prize at certificate.

Chasetine Glad Banig-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon