20 WANTED PERSON NADAKIP SA CAR

LA TRINIDAD, Benguet

Bago dumating ang selebrasyon ng Christmas ay 20 individual na pawang wanted sa batas ang nadakip ng pulisya, matapos ang pinaigting na manhunt operations mula Disyembre 15 hanggang 21. Sa loob ng isang linggong
operasyon, naitala ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 13 wanted
persons, sinundan ng Baguio City Police Office na may anim na arestado at Mountain Province PPO na may isang
arestado. Sa mga nadakip na wanted person ay lima ay nakalista bilang Top Most Wanted Persons sa antas ng
Munisipyo.

Dahil sa presensya ng kapulisan, 59 na munisipalidad sa buong rehiyon ang nakapagtala ng zero crime incident, na kung saan ay zero crime incidents sa 24 munisipalidad sa Abra, siyam na munisipalidad sa Mountain Province at Ifugao, anim na munisipalidad sa Apayao at Benguet, at limang munisipalidad sa Kalinga. Naitala din ang zero
incidents sa mga Police Stations (PS)1, PS2, PS3, PS4, PS7, PS8, PS9, at PS10 sa siyudad ng Baguio.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon