203 BAGONG PULIS NANUMPA SA PROCOR

Headlines

Binindisyunan ng PROCOR Chaplain Lt.Col. Jonathan Chy ang 203 bagong pulis sa isinagawang graduation rites sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Photo by PROCOR/ABN

————————–

Camp Dangwa, Benguet – “Napakahirap pumasok sa PNP pero napakadali rin lumabas sa pagkapulis. Gumawa ka lang ng kalokohan maliit man o malaki mawawalan ka kaagad ng trabaho kaya naman panindigan niyo ang pangalan ng class niyo “TINDIG GASAT”, ito ang naging pabaon ni Regional Director BGen.Ronald Oliver Lee, sa 203 bagong pulis ng Police Regional Office-Cordillera.

Pinangunahan ni Lee ang closing ceremony at panunumpa ng 203 rookie cops sa ilalim ng “Tindig Gasat” Clas 2020-02 na ginanap sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong Hulyo 12.

Sa nasabing bilang, kinabibilangan ito ng 171 males at 32 females na naka-kompleto ng anim na buwang Field Training Program sa iba’t ibang police station sa lalawigan ng Mountain Province, Abra, Ifugao at Kalinga.

Naging highlight sa programa ang awarding ng Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) kay Patrolwoman Ivy Mundangis Ayahao, na nakakuha ng highest rating na 96.57%, samantalang si Patrolwoman Pinky Cielo Tibaldo at Patrolman Fermor Samuel Dusag ay tumanggap ng Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) bilang 2nd and 3rd na may rating na 96.31% at 96.15%.

Ipinagkaloob naman ang Leadership Awards sa kanilang class Battalion Commander na si Patrolman Geovani Ferrer Abad at sa class President Patrolman Christian Khebim S Pariñas.

Pinangunahan din ni Lee ang ceremonial pinning at pamamahagi ng PNP badges at binati ang mga ito sa kanilang matapat at masigasig na makapa-serbisyo sa mga mamamayan.

Zaldy Comanda/ABN