BAGUIO CITY – Iniulat ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) na 21 horses na nagsisilbing tourist attractions sa Wright Park at Camp John Hay trails ang positibo sa Equine Infectious Anemia (EIA) at bacterial infections.
Ayon sa CVOA mula sa kanilang laboratory examination, ay 21 sa 58 kabayo ang tested positive sa EIA, samantalang apat dito ay may bacterial infections. Ang pagsusuri ay isinasagwa matapos ang imbestigasyon sa magkakasunod na pagkamatay ng 27 kabayo mula sa Wright Park, simula noong Marso.
Inirekomenda ng CVAO na ang mga infected horses ay isailalim sa euthanized o’ permanently isolated mula sa distansyang 200 hanggan 500 meters away mula sa ibang kabayo. Agad na nag-isyu si Mayor Benjamin Magalong ng Executive Order No. 56 series of 2021, para sa mandatory isolation ng lahat na maysakit na kabayo sa siyudad ng Baguio.
Ayon kay Magalong, bagama’t ang EIA ay hindi transmissible sa human, ito ay nagagamot ay madaling makahawa sa kapuwa kabayo.
“It is a notifiable disease listed in the World Health Organization and must be reported to public health authorities due to health risks,” the EO stated. Ang Wright Park ay may 250 horses, ay paboritong destinasyon ng mga turista para sa na horse-back riding.
Zaldy Comanda/ABN
May 8, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025