21 SITIO PAPAILAWAN SA BENGUET

LA TRINIDAD, Benguet

Nakatakdang pailawan ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) ang 21 sitio sa lalawigan Benguet ngayong 2024.
Hinihintay na lamang ng kooperatiba ang halagang P50 milyon mula sa National Electrification Administration (NEA) na ipinangako ng ahensya na para sa BENECO ngayong taon upang ipagpatuloy na ang countryside energization thrust sa ilalim ng Sitio Energization Program (SEP) ng pamahalaan. Ang listahan ng mga sitio na naka-target para sa energization ay nauna nang ibinigay sa NEA ng BENECO batay sa mga kahilingan ng mga local government units ng lalawigan.

Sa talaan ng BENECO, malamang na ang mga sitio mula sa Kabayan, Kibungan, Sablan, at Tuba ang mauuna sa
proyekto. Ayon Mark Amisola, isang engineer mula sa Network Services Department, ay kasalukuyang tinatapos ang
listahan ng iba pang mga sitio na ipapadala sa NEA para sa isa pang pondo na humigitkumulang P50 milyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon