Sa kasalukuyan ay 225 na aplikante mula sa Cordillera ang matagumpay na nakapasok sa Science Education Institute (SEI) scholarship program ng Department of Science and Technology.
Sa isang panayam kay Noveme-an M. A-ayo, project assistant ng scholarship unit ng DOST, lahat ng probinsyang sinasakupan ng Cordillera ay may nakapasang aplikante.
Kabilang sa mga benepisyo ng naturang scholarship ang P40,000 education assistance sa tuition at iba pang school fees kada academic year; P10,000 book allowance; P7,000 monthly living allowance; may ibibigay din na P1,000 para sa PE uniforms at insurance.
Ang mga estudyanteng nakapasa sa scholarship ay pumirma na sa kasunduan at pwede na silang pumasok sa science and technology courses sa mga eskwelahan na konektado sa ahensya para sa academic year 2018-2019.
Inaanyayahan din ng DOST-Cordillera ang mga magtatapos na sa Grade 12 na may strand na STEM (Science, Technology, Engineering and Math) na mag-apply sa pinakamalapit na Provincial Science and Technology Center para sa SEI-DOST sa taong 2019. Ang deadline ng filing ay sa August 31, 2018 at ang examination ay sa October 21, 2018. FRIA PILORIN, UC Intern / ABN
July 14, 2018
July 14, 2018
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025