CAMP DANGWA, Benguet
Dalawampu’t limang wanted person na nagtatago sa batas ang nalambat sa magkahiwalay na
manhunt operations na isinagawa ng Police Regional Office- Cordillera mula Hulyo 2 hanggang 8.
Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office ang may pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 14, na sinundan ng
Kalinga PPO na may anim na naaresto; Ifugao PPO na may tatlong arestado at Abra & Benguet PPO na may tig-isang arestado.
Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya, 66 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at apat na istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa, dahil ang PROCOR ay nagtala ng zero na insidente ng krimen sa panahon ng parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 24 sa 27 munisipalidad sa Abra; anim sa anim (6) na munisipalidad sa Apayao; 12) sa 13 munisipalidad sa Benguet; lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga; siyam sa labing-isang munisipalidad sa Ifugao; at lahat ng sampung munisipalidad sa Mountain Province. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Naguilian Police Station (PS) 1, Camdas PS2, Loakan PS4, at Aurora Hill PS6 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.
Zaldy Comanda/ABN