BAGUIO CITY — Aabot sa 250 na unipormadong pulis ang itatalaga ng Baguio City Police office sa darating na pagbubukas ng klase sa Enero 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa mga masasamang loob na kumakalat sa mga paaralan na kung saan ay binibiktima ng mga ito ang mga inosenteng estudyante.
Ito ang naging pahayag ni P/Col. Allen Rae Co acting city police director ng Baguio City Police office sa isinagawang forum sa city hall kamakailan lamang.
Aniya sapat na ang 250 na unipormadong pulis na kanilang ikakalat na magbabantay sa mga paaralan sa lungsod ng Baguio sa darating na pasukan.
Idinagdag pa niya na dagdagan pa niya aniya ang puwersa ng mga traffic policemen na siyang may malaking gampanan sa darating na Hunyo 3 o araw ng Lunes na kung saan ay dadagsa ang mga estudyante lalong-lalo na aniya sa mga pampulikong paaralan maging elemetarya man o high school.
Inamin niya na maging ang mag ibang personnel ng BCPO ay maaring magamit sa pasukan na tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lungsod.
Hinikayat din niya ang mga residente lalo na ang mga barangay police na malapit sa mga paaralan na tumulong sa pagmementina ng peace and order at ng pagsasaayos ng trapiko dahil aniya ang problema sa trapiko ay problema ng lahat ng taga Baguio kung kayat dapat aniya na maging mapagbigay at habaan ang pasensya sa kalsada upang maiwasan ang away.
“About 124 newly hired policemen who are undergoing field training will serve as augmentation force to assist in maintaining peace and order”, ani Co.
Sa tala ng Philippine Information Agency sa Cordillera, mayroong 100,000 sa mga pampublikong paaralan sa syudad, na kahit na may inisyal 35,247 sa kindergarten at elementary at may 21,622 junior high school students at 43,324 senior high school naman ang inaasahan sa taong ito.
Nagpahayag din ang tanggapan ng Department of Education – Baguio City Schools Division Senior Education Program Specialist na si Ellaine Cabuag na handa silang tanggapin ang mga estudyante sa elementary at high school.
Aniya, mas mainam na marami ang mag-aaral kaysa sa kaunti ang mga kabataan na gusting mag-aral.
Dagdag pa niya katatapos lamang ng isinagawang Brigada Eskwela na kung saan ay hinihikayat ang lahat ng residente, mga individual at mga government organization na tumulong upang pagandahin muli ang mga pampublikong eskwelahan na kung saan ay taun-taon itong ginaganap sa tulong na rin ng mga magulang o ng Parents Teachers Association (PTA).
Sa taong ito, tumulong ang mga kagawaran ng Philippine National Police, Bureau of Fire, at ang Department of Social Welfare and Development at iba pang concerned citizen ng Baguio City.
Nanawagan naman si Cabuag sa mga magulang na ipa-enroll na nila ang kanilang mga anak sa malalapit na paaralan sa kanilang mga barangay.
TFP/PIA-CAR/ABN
June 1, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025