28 ILLEGAL NA STL COLLECTOR SENTENSYADO SA BENGUET

BAGUIO CITY

Dalawangpu’t walong indibidwal na mga iligal kolektor ng Small Town Lottery (STL) ang hinatulan o nahatulan sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyenda ng Republic Act 9287 (Illegal Bet Collection) sa iba’t ibang korte sa lalawigan ng Benguet. Ang mga datos na nakuha mula sa archive ng Regional Trial Court ng Benguet, mula Agosto hanggang Disyembre 2023 ay nagpapakita na mayroong 27 na nahatulan na mga illegal bet collector ng STL, habang isa noong Enero 26, 2024, na pawang umamin ng guilty sa korte at nahatulan ng Aresto Menor ng 1 araw hanggang 30 araw hanggang Aresto Mayor-isang buwan at 1 araw hanggang 6 na buwan o katumbas nito sa serbisyo sa komunidad.

Lima ang hinatulan noong Agosto 2023, na kinilalang si Jun Dibio, ng La Trinidad; Teresa Tam-og; Marion Martez;
Arlene Bermudez, pawang mula sa Itogon at Johnny Lino, mula sa Buguias, Benguet. Noong Setyembre 2023, sina Flordelina Bolinget, ng Tuba; John Baldos, Jr., ng Tublay; Roger Millano, ng Itogon; Dexter Adiston, ng Buguias,
magkasunod na umamin ng guilty; Julio Manuel, ng Buguias; Filmer Bunglay, ng La Trinidad at Marcela Aguindao,
ng Tuba, Benguet. Noong Oktubre 2023, si Bruce Amking, ng La Trinidad; Remedios Andres, ng Itogon; Cristo Amking, magkasunod na umamin ng guilty sa korte; Bernie Bisweng, ng Itogon; Ryan Pagapulan at Dosky Maglaya, ng La Trinidad, Benguet.

Reynaldo Montes, Chester Laruan, Saturnino Velasco, Jesus Elwas, pawang mula sa La Trinidad at Marian Cabancala, mula Itogon, Benguet, ay umamin ng guilty sa bookies noong Nobyembre 2023. Noong Disyembre 1-5,
2023, umamin din sa kaso sina Ericson Angiwan, Crisanto Danilo, Victor Lipay, at Jhordan Calado, habang noong Enero 26, 2024, umamin ng guilty si John Desamito. Ang STL ay legal na pinamamahalaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Ayon kay PCSO BaguioBenguet Branch Manager Ernieli Rosete Pampuan-Dancel,
mandato ng ahensya na protektahan ang mga legal na negosyo ng gobyerno at inatasan na nila ang mga law
enforcement agencies na arestuhin ang mga STL bookies o illegal bet collectors.

ZC/ABN

GARDEN EXHIBIT

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon