TABUK CITY,Kalinga— Tatlong barangay ang sinalakay ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sinunog ang mga plantasyon ng marijuana na umaabot sa halagang P21.9 milyon sa bayan ng Tinglayan,Kalinga.
Nabatid kay KPPO Provincial Director Davy Limmong, magkahiwalay na sinalakay ang Barangay Buscalan, Loccong at Butbut Proper at isinagawa ang malawakang marijuana eradication sa loob ng tatlong noong Hunyo 14-16.
Mahigit sa 5,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price (SDP) na P1,000,000.00 ang binunot sa kabundukan ng Barangay Buscalan.
Sa Barangay Loccong, apat na plantation sites ang nadiskubre at pinagbubunot ang 34,000 fully grown marijuana plants na may halagang P6,800,000.00. Sa Barangay Butbut Proper, nakadiskubre at pinagbubunot ang the 57,500 fully grown marijuana plants at 65,000 seedlings na kabuuang halagang P14,100,000.00.
Ayon kay Limmong, may kabuuang 96,500 fully grown marijuana plants at 65,000 seedlings ang sinunog sa lugar, na may kabuuang halagang P2,900, 00.
Zaldy Comanda/ABN
June 21, 2021