LUNGSOD NG BAGUIO – Tatlong bayan sa Cordillera Administrative Regon (CAR) ang hindi pumasa sa road clearing assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Engr. Marlo Iringan, DILG-CAR regional director na ang mga bumagsak ay ang mga bayan ng Boliney at Manabo sa probinsiya ng Abra at ang munisipalidad ng Banaue sa Ifugao.
Ang tatlong munisipalidad ay hiniling na magpaliwanag at kung ang mga rason ay nakitang hindi katanggap-tanggap ay mapaparusahan ang nasabing LGU, ani Iringan.
Sa pagbibigay ng grado sa pagtugon sa pagbawi sa mga pampublikong kalsada ng LGU ay mayroong anim na indikador kung saan kabilang ang 50 puntos para sa road clearing, 15 puntos sa rehabilitasyon, 15 putos sa ordinansa, 10 puntos sa displacement, limang puntos sa grievance mechanism at limang puntos sa inventory.
“Hindi ko lang sigurado kung saan nagkulang ang mga LGU natin, I will have to refer to the document,” ani Iringan. Sinabi niya na magsasagawa ang DILG ng isang quarterly validation at titiyakin na ang mga kalsadang ito ay walang mga sagabal.
“The DILG’s recent order is to sustain the gains that we have made at kailangan siguraduhin natin na ‘yung mga na-clear na na mga road at ‘yung mga natanggalan na ng mga obstruction will stay as they are,” dagdag niya.
Sa lungsod ng Baguio ay sinabi ni Mayor Benjamin Magalong noong Lunes na ang City Engineering Office na siyang naatasan sa road clearing project ay nag-umpisa ng mamahagi ng mga abiso sa mga may-ari ng mga istruktura na maapektuhan ng demolisyon sa Naguilian road.
Sinabi niya na halos 30 percent accomplishment ang nakita sa Marcos Highway kung saan 267 istruktura ang napagalamang nag-encroach sa national highway ang inaasahang gigibain.
PNA/PMCJr.-ABN
October 28, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025