3 courier ng P6M marijuana,huli sa checkpoint sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Hindi nakalusot sa mahigpit na ipinaiiral na Quarantine Checkpoint ang tatlong kalalakihan matapos mahulihan ng dalawang sako ng marijuana sa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Paykek, Kapangan, Benguet.
Kinilala ni Benguet PPO Provincil Director Col.Reynaldo Pasiwen, ang mga nadakip na sina Simiano Tadina Patingan, 36, ng Poblacion, Bakun; Jun Comot Collera, 31, ng Kayapa, Bakun at si Marry Ann Felipe Del Rosario, 22, residente ng Puguis, La Trinidad.
Sinabi ni Pasiwen noong Lunes,Oktubre 4, pinara ng Kapangan Municipal Police Station sa checkpoint ang isang dark blue Mitsubishi Montero na may plakang XPJ 767.
Iniutos ng mga pulis sa driver na buksan ang likod ng sasakyan para sa inspeksyon at dito ay nakita ang dalawang sako na naglalaman ng marijuana.
Limangpung tubular form dried marijuana leaves ang kabuuang laman ng mga sako na nagkakahalaga ng P6 miyon at isang caliber 45 na baril din ang nakumpiska sa loob ng sasakyan.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon