3 DATING MIYEMBRO NG NPA SUMUKO SA KALINGA UPANG MAKASAMA ANG PAMILYA SA KAPASKUHAN

TABUK CITY, Kalinga

Tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na naghangad na makapiling ang kani-kanilang pamilya ngayong kapaskuhan at magbagong-buhay ang mga boluntaryong sumuko sa
pamahalaan sa Tabuk City,Kalinga,noong Disyembre 15. Sinabi ni Brig .Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office Cordillera, pormal na sumuko na mga awtoridad at tinuligsa ang katapatan sa mga komunistang grupo ang tatlong dating rebelde sanaganap na press
briefing na pinangunahan ni Lt.Col.Wilson Lagan,Jr. , deputy provincial director for operation ng Kalinga Provincial Police Office na isinagawa sa Camp Captain Juan M Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Bazar, ang pagsuko nina Alyas Ka Landing at Ka Joker, kapuwa dating miyembro ng CTG at Militia ng Bayan (MB)/NPA sa Barrio sa ilalim ng Lejo Cawilan Command ng humihinang
Kilusang Larangang Guerilla (KLG)-Baggas na parehong Non-Periodic Status Report (Non-PSR) na nakalista sa CTG sa Lubuagan Mmunicipal Police Station, Lubuagan , Kalinga, ay naisagawa sa tulong ng pulisya at mga tauhan ng 503rd at 50th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Samantalang si Ka Dante ay kabilang sa Periodic Status Report On Threat Groups (PSRTG) at nakatala sa Order of Battle (OB) noong 1998 voluntarily surrendered to Provincial Intelligence Unit/ DEU (PIU/DEU) Kalinga PPO, RIU 14-PFU, RID PROCOR , Tabuk CPS, RSOG/RDEU, 503rd Bde, 50IB, 1st and 2nd KPMFC, 141SAC , 14SAB, PNP-SAF, and CIDG Kalinga at PIU Office,
Kalinga PPO.

Isinuko din ng tatlong rebelde ang isang homemade shotgun long barrel with 1 guage 12 ammunitions, one cal. 22 magnum, Smith & Wesson na may apat na bala at isang unit cal. 30 U.S carbine na may 1 magazine at 2 bala. Ayon kay Bazar, ang boluntaryong pagsuko ng tatlong personalidad ay natamo sa pamamagitan ng Kalinga PPO Oplan Montañosa sa tulong ng mga awtoridad alinsunod sa peace and security framework ng PNP na KASIMBAYANAN (Kapulisan Simbahan at Pamayanan) kasama ang Kalinga Returnees Association (KRA), immediate family members, Kalinga Religious Sector Association (KARSA) sa pakikipagtulungan ng mga local
government units ng Kalinga.

“Ang Kalinga PPO kasama ang Provincial at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (P/MTFELCAC) ay magpapatuloy sa buong sector approach na ito laban sa iba pang komunistang miyembro sa probinsya para makamit ang kapayapaan at pagkakaisa. Magbibigay tayo ng seguridad para sa kanila at sisiguraduhin na hindi sila mahihiwalay sa mga programa
ng gobyerno para sa mga sumuko,” pahayag naman ni Col. Charles Domallig, provincial director ng KPPO.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon