3 patay,10 sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Baguio City

BAGUIO CITY – Tatlo katao ang namatay, kabilang ang isang 6 na taong gulang na batang lalaki, samantalang 10 iba pa ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan Biyernes ng umaga, Abril 29 sa Km.3, Asin Road,Suello Village, Baguio City.
Patay on the spot ang driver ng container na si Joseph Dela Cruz, 26 at pahinante nitong si Mark Alexis Abesamis, samantalang si Yael Rhadson Navarro,6, ay namatay habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) ay kabilang sa mga nakasakay sa passenger van.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang karambola ay kinasasangkutan ng isang container van, isang taxi at isang pampasaherong van na binabaybay ang parehong direksyon patungong Km. 4 Asin Road sa circumferrential road ng Suello Village.
Nabangga umano ng container van ang likurang bahagi ng isang taxi na kalaunan ay bumangga naman sa likurang bahagi ng pampasaherong van na naging sanhi ng pagkawala ng kontrol ng driver at tuluyang nabangga sa konkretong pader sa gilid ng kalsada.
Nawalan din ng kontrol ang container van na bumangga din sa pader hanggang patayo itong sumandal sa konkretong poste.
Naka-confine na sa BGHMC ang 9 iba pang sugatan mula sa pampasaherong van at isang truck helper mula sa container
van.
Sinabi ng ilang motorista na ang lugar ay isang mapanganib na kalsada lalo na sa mga hindi pamilyar sa mga dalisdis nito, dahil ang lupain ay isang matarik na pag-akyat patungo sa Marcos Highway at isang mahabang patak sa patungo sa San Luis Village.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon