CAMP DANGWA, Benguet
Labis na ikinalungkot ng buong kapulisan ng Police Regional Office-Cordillera, ang pagkasawi ng tatlong baguhang pulis matapos malunod habang lulan ng bangka nang tumaob ito sa Apayao River sa bayan ng Calanasan, Apayao,noong Disyembre 6. Ang mga biktima na sina Police Patrolman John L. Togayan Jr. ng Buguias, Benguet;
Police Patrolman Resty P. Bayog ng Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga, at Patrolman Halteric Q. Pallat ng
Kabugao, Apayao.
Personal na tinungo ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, kasama ang ilang command group sa pagbisita sa burol ni Pat John Lorenzo Togay-an, Jr., upang magbigay galang sa mga pamilya sa kanilang tirahan sa Barangay Lengaoan, Buguias, Benguet, noong Disyembre 9. Sa kanyang pagbisita, nagpaabot ng pag-asa at suporta si Peredo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng nasawing pulis.
Si Pat Togay-an, Jr ay isa sa tatlong miyembro ng Class 2022-01 “MABIDANG” na namatay habang tumatawid sa Apayao River, para sa isang follow-up investigation sa isang magsasaka, na residente ng Barangay Langnao, Calanasan, na sangkot umano sa insidente ng pamamaril sa Barangay Langnao, noong gabi, Disyembre 4. Tumaob ang kanilang bangka at tinangay ng malakas na agos ng tubig dulot ng malakas na ulan. Ang limang kasamahan ng mga biktima ang nakaligtas sa sakuna. Ayon kay Peredo, ang kanilang dedikasyon sa tungkulin at pangako sa
kaligtasan ng publiko ay palaging maaalala.
ZC/ABN
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025