3 SA 5 NA PATAY NA HIJACKERS, NAKILALA NA – PROCOR

BAGUIO CITY – Nilinaw ng Police Regional Office-Cordillera na hindi miyembro ng PNP ang dalawa sa limang hijackers na napatay sa enkuwentro noong Hunyo 30 sa Tuba, Benget.
Isa sa mga suspek na nakasuot ng PNP Athletic Tshirt, camouflage green pants and black leather shoes ay kinilala ng kanyang ina na si David Dassala Rapal, Jr, 40, ng San Fernando, Pampanga.
Ayon sa ina, kasama ng kanyang anak ang kaibigan nitong si Ryan Pangilinan sa kanilang bahsy noong Hunyo 28 at mula doon ay hindi na bumalik.
Ang isang suspek na naka-suot ng pink t-shirt at light blue maong pants ay kinilala ng kanyang kapatid na si Ryan Amurao Pangilinan, 41, ng Mexico, Pampanga.
At ang isa pang suspek na naka-suot ng orange t-shirt at maong pants ay kinilala ng kanyang japatid na si Relly Amurao Castillo 43, ng Arayat, Pampanga.
Ang mga labi ng suspek na nakilala na ay inuwi na ng kanikanilang pamilya. Ayon kay PROCOR Spokesperson Capt. Marnie Abellanida, sa kanilang isinagawang beripikasyon sa PNP National Headquarters napag-alaman na ang identification (ID) card na narekober sa isang
suspek na may pangalang Police Chief Master Sgt. Marvin A. Aquino ay nasa listahan ay lumitaw na patay na ito noon pang 1996.
Ang isa pang suspek na may PNP ID na pangalang Cesar A. Blomes ay wala sa rooster ng police organization,samantalang ang isa pang suspek na nakuhanan ng NBI ID ay masusi pang iniimbestigahan.
“Sa totoong pulis, may sinusunod kaming ‘Oplan Bantay Bihis’ at dalawang suspek nan akasuot ng damit ng pulis ay pawang may mga tattoos, eh bawal po sa pulis yan. Kaya malaki ang paniniwala naming na gumamit ng damit ng pulis para madali nilang masagawa ang pag-hijack,” pahayag ni Abellanida.
Sa naunang ulat na tinanggap ni PROCOR Director Ronald Oliver Lee, noong Hunyo 30, dakong alas 3:00 ng medaling araw ay nag alarma ang ang La Trinidad MPS kaugnay sa naganap na hijacking incidents dakong alas 3:00 ng umaga sa nasabing bayan.
Napag-alaman na sapilitang tinangay ng mga suspek ang isang truck sa La Trinidad at pagdaan sa mga Longlong Road ay ibinababa ang drayber at saka ito nagsumbong sa pulisya.
Agad nagsagawa ng hot pursuit ang mga tauhan ng Regional Highway Patrol Group (RHPGCOR) at Tuba MPS sa kahabaan ng Marcos Highway at natunton ang mga suspek sa may Taloy Sur Proper, Tuba, Benguet.
Nagkaroon ng enkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga pulis hanggang sa mapatay ang mga ito. Tatlo ang lulan ng Isuzu Aluminum Wing Van truck na may plakang ADH 3116, samantalang dalawa ang nakasakay sa kulay gray na SUV Chevrolet na walang plaka.
Nagbigay babala din si Lee sa publiko laban sa nagpapakilalang sila ay pulis at hinikayat nito na beripikahin mabuti kung talagang ito ay totoong pulis,lalong-lalo na sa paggawa ng krimen.
“They can ask the person his name, his place of assignment. Iyan po ay ine-encourage natin sa mga sibilyan na magtanong para hindi nabibiktima at ang paggamit ng uniform o’ insigniang PNP at AFP ay mahigpit na ipnagbabawal at may kaabikat na kaukulang kaso,” pahayag pa ni Lee.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon