31 katao huli sa illegal gambling

CAMP DANGWA, Benguet – Tatlongpu’t isang katao ang dinakip na sangkot sa illegal gambling sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Abra.
Sa kabila ng pagiging Enhanced Community Quarantine (ECQ) status ng lalawigan ng Abra, dulot ng biglaang paglobo ng COVID cases, sinalakay ng pulisya ang sugalang madjong at tong-its, bingo sa Barangay Angad, Bangued, Abra noong Setyembre 13.
Sa ulat na pinadala kay PROCOR Regional Director Ronald Oliver Lee, ang mga nadakip ay nakilalang sina Roderick Bayle Sabalo, 38; Christina Carino Villastiqui, 53; Bernabe Brosas, 48; Gemelyn Pablio Potolin, 37; Mila Blanza Tiogalbo, 58; Manuel Bello Benabese, 35; Alberto Blanza Barila, 53; Regina Benabese Baronia, 35; Lorena Bernal Barila, 42; Alfredo Ancheta Villastiqui, 66; Robelyn Barila Tacis, 39; Irene Villastiqui Bandin, 40; Evelyn Buen Tabaniag, 35; Fernando Pacano Barila, 30; Conception Guerra Blanza, 65; Nora corpuz Zapatero, 55; Janice Zapatero Bello, 30; Mary Grace Barila, 18; Maricar Lyn Bayquen Bulda, 19; Julie ann Peralta Barila, 20; Hilda Bolda Valeros, 37; Femia Villastiqui, 23; Jonalyn Pirmejo Villastiqui, 20; Judy Pirmejo Villastiqui, 24; Joyce Barila Borillo, 41 at dalawang enor de edad.
Nakumpiska sa lugar ang bet money na P2,581.00; limang sets ng playing cards, isang set of mahjong, isang mahjong case, 36 pieces chips, isang pair ng dice, bingo set at bingo card.
Sa bayan ng Bucay, apat na katao na abala sa paglalaro ng pusoy ang dinakip ng pulisya na nakilalang sina Edmund Tolentino De Carmen, 39; Marlon Belisa Torres, 40; Melvin Bisquera Bejarin 51 at Medardo Bosito Beleno, 57, pawang residente ng Palao, Bangued, Abra.
Kinumpiska ng pulisya ang isang deck ng playing card at bet money na P920.00. Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon