CAMP DANGWA, Benguet
Nadakip ng Cordillera cops ang 31 individual na pawang wanted sa batas, matapos ang isang linggong manhunt operation na isinagawa noong Setyembre 13-19. Nabatid sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division ng PRO-CAR na ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 11 wanted person, sinundan ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na may walong naaresto, Kalinga PPO na may apat na naaresto, Mountain Province PPO at Ifugao PPO na may tig-tatlong arestado, at Abra PPO na may dalawang arestado.
Sa 31 wanted na personalidad, pito ang kilala bilang Most Wanted Persons, lima sa Municipal Level at dalawa sa Provincial Level. Sa patuloy na ng presensya ng pulisya, zero crime incidents ang naitala sa 23 munisipalidad sa Abra, sampung munisipalidad sa Mountain Province, siyam na munisipalidad sa Benguet, walong munisipalidad sa Ifugao, apat na munisipalidad sa Apayao, at apat na munisipalidad, kabilang ang isang component city, sa
Kalinga, habang nasa Baguio City, naitala rin ng Police Station (PS) 1, PS2, PS3, PS5, PS7, at PS9 ang zero crime incidents.
Zaldy Comanda/ABN
September 29, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024