BAGUIO CITY
Inihayag ng Baguio City Police Office na tinatayang nasa 32,000 ang dumagsa para saksihan ang naggagandahang
flower float na ipinarada sa grand float parade ng Panagbenga Festival sa siyudad ng Baguio noong Pebrero 25. Sa naganap na Kapihan sa Baguio sa media conference,noong Pebrero 28, sinabi ni Lt.Col.Domingo Gambican, deputy city director for Operation ng BCPO, na base sa kanilang estimate sa crowd mula sa umpisa ng parada sa Upper Session Road hanggang sa kahabaan ng Harrison Road ay umaabot sa 32,000 katao na nanonood sa makasaysayang
float parade.
Ayon kay Gambican, base sa survey ng parade route ay nakuha nila kung ilang meters ito at dito ibinase kung ilang tao ang nanonood sa lugar o’ sa bawat meter, bukod pa mga photograph sa mga crowd ng mga personnel na itinalaga sa matataas na lugar para tantyahin ang dami ng tao. Sinabi pa ni Gambican noong street dancing parade naman noong Pebrero 24 ay nasa 20,000 ang estimate nila ang nanood ng parada.
Ang pagbaba ng bilang ng mga manonood sa float parade,kumpara noong wala pang pandemic, ay hindi inaasahan, dahil marami sa mga residente ang minabuti na lamang sa kanilang bahay at manood sa live stream ng social media.
Si Christopher Della, isang residente ng Baguio, bago pa man mag-pandemic ay naranasan na niya ang manood
ng makulay na kapistahan ng Panagbenga at nakikipagsiksikan sa dami ng taon.
Aniya,minabuti na lamang niyang manatili sa bahay, dahil iniiwasan nito ang trapiko, siksikan ang mga tao at mahirap makasay sa pag-uwi, na kanyang naranasan noong mga nagdaang Panagbenga. Maging si Krisha Baguio, isa pang residente at manggagawa, ay nagpahayag ng katulad na sentimyento, na ang taon-taong pagdaraos ng
Panagbenga ay hirap din siya sap ag-uwi dahil sa trapiko, nagdesisyon na manatili na lang sa bahay.
Pero, ang mga dahilan na ito ay naging taliwas sa kanilang iniisip, dahil iniulat ng BCPO na maaliwalas ang daloy ng trapiko sa nagdaang major events ng Panagbenga bunga ng mga inibasyon at makabagong pamamaraan na isinagawa ng kapulisan para maibsan ang matinding trapiko. Sa panig naman ng Baguio Flower Festival Foundtion Inc., ay matagumpay nilang naisagawa ng maayos, masaya at makasaysayan ang selebrasyon.
“Of course, we would like to have more visitors and I guess it’s a slow climb prepandemic situation. “We’ll just have to understand that people are still trying to recover from the pandemic. Hopefully by next year it will be more visitors and at the same time it also gives the city enough time to plan for accommodating bigger numbers,” pahayag ni Anthony de Leon, executive committee chairman ng BFFFI.
Katrine Dumling/ UB-Intern
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025