33K aplikante kumuha ng PMA entrance exam

FORT DEL PILAR, Baguio City – Umabot sa 33,000 ang bilang ng mga kumuha ng taunang entrance examination ng Philippine Military Academy (PMA) noong Agosto 25 at linagpasan umano ang 2018 record na 28,000, ayon sa isang opisyal noong Huwebes.
Pinasalamatan ni PMA information officer Maj. Reynan Afan ang publiko sa kanilang patuloy na pagtiwala sa institusyon.
“We attribute not just to the people’s trust in the PMA but also their trust to the AFP (Armed Forces of the Philippines). We all know that the AFP has a high rate of approval rating. The youth now also have a strong desire to serve the country,” aniya.
Sinabi niya na ang mga examinee na may edad 17 at mga magiging 22 sa Hunyo 1, 2020 ay nagtungo sa 41 examination centers sa buong bansa.
Inaasahang ilalabas ng PMA sa susunod na dalawa o tatlong linggo ang top 1,500 passers, ani Afan. Ang mga nagtagumpay na aplikante ay tutungo sa susunod na yugto na screening-medical at physical examination sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City upang matiyak ang kanilang physical at mental fitness na sumailalaim sa apat na taon ng mahigpit na pagsasanay militar sa loob ng pangunahing institusyon ng militar ng bansa.
Mula 1,500, ang top 400 ay pipiliin na sumama sa PMA Class 2024. Sinabi ni Afan na ang mga kadete ng PMA ay tatanggap ng mga benepisyo at suporta mula sa gobyerno paggising nila sa umaga hanggang sa pagpatay ng mga ilaw sa gabi.
“They have regular allowances, they are given different pieces of training and state-of-the-art facilities and the opportunity to have a career in serving the Armed Forces of the Philippines,” aniya.
Sa araw na manumpa sila bilang mga miyembro ng Cadet Corps Armed Forces of the Philippines (CCAFP) ay miyembro na sila ng AFP.
 
PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon