LAL-LO, CAGAYAN
Sa inisyatibo ng 17th Infantry Battalion matagumpay na isinagawa ang isang outreach program na may temang “Fun Reunion: Pagtitipon para sa Pagkakaisa” para sa 37 na dating rebelde (FRs) ng Apayao na ginanap H17IB, Brgy Bangag, Lal-lo, Cagayan noong ika-29 ng Abril
2025. Ang naturang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga organisasyon upang tulungan at suportahan ang mga dating rebelde sa kanilang pagbabalik-loob sa komunidad.
Kabilang sa mga pangunahing serbisyo at tulong na naipamahagi ay ang mga food packs at bigas mula sa Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative (PAFCPIC), namahagi naman ng tsinelas ang Apayao Provincial Police Office (APPO) Grocery Packs mula sa PDRRMO Province of Apayao, Relief Packs naman mula sa Social Welfare and Development Apayao, libreng gamot ng Municipal Health Office ng Lal-lo, libreng Medical check-up ni Doctor Harvey Royce Ogalino at libreng gupit hatid ng 17IB.
Sa mensahe ni Engr. Mayer Max Adong, Provincial Director DILG Apayao, kanyang pinasalamatan ang mga dating rebelde sa desisyong talikuran ang walang makabuluhang pinaglalaban ng mga NPA at pinili ang tuwid na daan at magbalik loob sa gobyerno. Nagbigay din ng suporta ang Jesus Miracle Crusade upang lalong pagtibayin ang moral at espiritwal na aspeto ng bawat nasabing benepisyaryo. Layunin ng aktibidad na hindi lamang maghatid ng tulong kundi magsilbing simbolo ng pagkakaisa at bagong simula para sa mga dating rebelde. Pinasalamatan ng 17th Infantry Battalion ang lahat ng katuwang na organisasyon at ahensya sa matagumpay na pagpapatupad ng programa, at muling tiniyak ang kanilang suporta sa mga hakbangin para sa kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan ng Apayao.
May 18, 2025
May 18, 2025
May 18, 2025
May 18, 2025