39 NA WANTED PERSONS, 18 DRUG PERSONALITIES, NASAKOTE SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet – Bilang resulta ng walang tigil na pagsisikap na matunton ang mga taong pinaghahanap ng batas, 39 na wanted person at 18 drug personalities ang naaresto sa loob ng isang linggong operasyon sa Cordillera.
Sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR), naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 17 wanted person na sinundan ng Benguet PPO-8, Abra PPO-
6, Kalinga PPO-5 arestuhin at Ifugao PPO 3.
Sa isinagwang manhunt operations,15 wanted person ang nakalista bilang Most Wanted Persons sa iba’t ibang antas. Tatlo ang nakalista sa
Provincial Level, lima sa City Level, dalawa sa Municipal Level, at pito ang nakalista sa Station Level.
Sa Provincial Level, kinilala ang mga naarestong personalidad na sina Aljon Linan, nakalista bilang No. 2 para sa krimen ng panggagahasa; Abner Baligod, nakalista bilang No.3 para sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 at Marvin Salay, na nakalista bilang No.3 para sa krimen ng Statutory Rape Sa City level, si Jonas Atencio, nakalista bilang No.4 sakasong Anti-Trafficking; Jhoemar Raposas, nakalista bilang No.6 sa krimeng Panggagahasa; Evelyn Bravo, nakalista bilang No.7 sa kasong Qualified Theft; No.5 Ricky Binuloc Gunnawa sa kasong paglabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 at Josie Sajonas Colom, na nakalista bilang
No.5 MWP (Station Level) ng 2nd Quarter ng 2022.
Ang isang linggong anti-illegal drugs operation ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 18 drug personalities, habang nasa kabuuang P5,527,000.00 halaga ng mga halamang marijuana ang naalis sa Kibungan, Benguet at Tinglayan, Kalinga.
Sa talaan, naitala ng BCPO ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 12 drug personalities na sinundan ng Kalinga PPO na may tatlong drug personalities; dalawa sa Benguet PPO at isa sa Apayao PPO.
Sa isinagawang buy-bust operations, nasamsam ang kabuuang 16.1525 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na aabot sa P109,837.00, nakumpiska ang 7006 gramo ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may SDP na P840,720.00, at 585 ml ng marijuana oil na may SDP na P29,250.00.
Lahat ng mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa pagpuksa ng marijuana na isinagawa sa Benguet ay humantong sa pagkasira ng kabuuang 3,910 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMJP) na may SDP na P782,000.00 at 6,000 gramo ng mga tangkay ng marijuana na may SDP na P720,000.00, habang sa Kalinga naman ang kabuuang ng 10,500 piraso ng FGMJP na nagkakahalaga ng P2,100,000.00; 15,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may SDP na P1,800,000.00; at 5,000 gramo ng marijuana seeds na may SDP na P125,000.00 ang winasak ng mga operatiba.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon