3RD FLUVIAL PARADE MASAYANG NAISAGAWA SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Masaya at makulay na naisagawa ang 3rd Fluvial Parade na kaabikat sa selebrasyon ng Panagbenga Festival na may
temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovation”, noong Pebrero 18 sa Burnham Lake, BaguioCity. Ipinarada sa lake ang 12 float, na ang walo dito ay kalahok sakompetisyon na may kanya-kanyang disenyo, na nasaksihan ng mga manonood. “We’re also taking this opportunity to also promote culture and educate our public about Cordillera’s culture. So… hindi lang ito entertainment na nakikita mo na maganda but also a time for us to tell our
tourist or visitors what is the Cordilleran region all about,” pahayag ni DOT Regional Director Jovita Ganongan.

Ang mga hurado ay binubuo ng mga kilalang personalidad, na maingat na pinaunlakan ang bawat bangka batay sa kasiningan, husay sa paggawa, at pagsunod sa tema ng pista. Ang temang “Canao as Thanksgiving “ ang nanalo ng
P20,000,bilang first prize: pangalawa ang “HagdanHagdan Palayan ng Banaue” na tumanggap ng P15,00 at ang
“Welcome to Baguio City” float ang ikatlo na may P10,000. Ang mabusising disenyo ng mga float ay dekorado ng
iba’t ibang kulay ng bulaklak at simbolikong elemento, ay buong husay na sinasalamin ang halaga at mga aral na itinuro ng ating mga ninunong Igorot upang alalahanin at isabuhay.

“Talo or what, at least andoon ‘yung puso mo, na you make effort, na naki-join tayo sa city. Part natin ‘yon,” pahayag ni Vivian Celso, kampeon ng Fluvial Float 2024 sa kanyang panayam. Ang Fluvial Parade 2024 ay hindi lamang para ipakita ang yaman sa kultural at tradisyon ng rehiyon ng Cordillera, kundi paraan din ito upang suportahan ang kabuhayan ng mga boat concessionaires at pag-ibayuhin pa ang turismo sa lugar na nagpapatunay sa matatag na tradisyon at kolektibong ipinagmamalaki ng mga taga-siyudad ng Baguio.

Phoebe Allec Perez/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon