4.5K fingerlings pinakawalan sa ilog ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Nasa 4,500 fingerlings ng bangus, Malaga at iba pang high-value na isda ang pinakawalan sa river system ng lungsod bilang isang pasasalamat na aktibidad para sa selebrasyon ng Bangus Festival ngayong taon.
Sa isang panayam noong Martes ay sinabi ni Mayor Marc Brian Lim na ang mga ilog ay hindi lamang nakakadagdag sa kagandahan kundi
nagbibigay din ng pangkabuhayan sa maraming Dagupeño.
“Pasasalamat po ang alay natin sa ating Lumikha na nagbigay sa at in ng mayamang kailogan na siya nat ing pinagkukunan ng masagang ani. Tama at nararapat po lamang na magbigay din tayo sa ating mga natatanggap na biyaya. I-appreciate po nat in ang kagandahan ng at ing mga ilog,” aniya.
Galing ang mga fingerlings sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa city government. Sinabi ni BFAR Ilocos regional director Rosario Segundina Gaerlan na ito ay ambag ng BFAR sa stock enhancement o resource enhancement.
Samantala, ang seremonya ng pagbubukas ng Bangus Festival 2022 ay isinagawa noong Lunes sa pagsindi ng festival lights. Inulit ni Lim na ang Bangus Festival ngayong taon ay isang pasasalamat na aktibidad, hindi lamang isang selebrasyon, at ito rin ay isang araw ng pang-ekonomiyang oportunidad para sa maraming Dagupeño.
Kabilang sa mga tampok sa seremonya ng pagbubukas ay ang pag-aalis ng lambong ng bagong Kalutan Ed Dalan Marker sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue.
Ipinapakita sa marker ang World’s Longest Barbecue ng Dagupan City mula sa Guinness World Records na naitala noong 2003, ang record ay nagawa sa pagdaraos ng Kalutan ed Dalan nang nasa10,000 piraso ng bangus ang inihaw sa longest barbecue grill ba may habang 1,007.56 metro.
“This is a symbol that we are returning the Bangus Festival to the people, in its original location,” aniya.
Idinagdag niya na ang pagbabalik ng kapistahan matapos anng dalawang taon ay isang “malaking oportunidad” para sa public market vendors, public transport sectors, at iba pang mga negosyo sa central business district na itaas ang kanilang kita.
Sinabi ni Lim na dahil sa maikling panahon ng paghahanda ay ilang mga aktibidad lamang ang naihandam kasama ang pinakahihintay na Kalutan Ed Dalan street party.
Ang mga nakalinyang aktibidad ay ang mural painting na gagawin sa Abril 22, cycling event sa De Venecia Expressway sa Abril 24, Youth Festival na gaganapin sa People’s Astrodome, at SM Center Dagupan sa Abril 26, mass wedding sa People’s Astrodome sa Abril 27, at ang traditional event na Bangus Rodeo sa Abril 28 na gaganapin sa city plaza.
Binuo ang Bangus Festival noong Agosto 2001 at pormal na inilunsad noong 2002 ng noo’y Mayor Benjamin Lim.
Inorganisa ito hindi lamang bilang isang marketing tool para sa produktong bangus ng Dagupan kundi upang itatag din ang sariling kapistahan ng lungsod.
Praktikal na nagbigay-daan ang kapistahan para sa iba pang mga bayan at lungsod sa probinsiya ng Pangasinan na magtatag ng kanilang sariling ma lokal na kapistahan.
(LY-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon