4 DRUG PERSONALITY ARESTADO SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Dalawang High-Value Individuals (HVI) at dalawang Streel Level Individuals (SLI) ang nalambat
sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ng Police RegionalPolice OfficeCordillera noong Agosto 20 hanggang 26. Sa rekord ng Regional Operations Division, arestado ang apat na drug personalities matapos makuhanan ng kabuuang 14.66 gramo at 24.10
ml ng hinihinalang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na P250,621.48.

Ibinunyag sa parehong ulat na tatlong suspek ang inaresto ng mga pulis ng Benguet Police Provincial Office (PPO) at isang aresta ang ginawa ng mga operatiba ng Ifugao PPO. Kinilala ng mga operatiba ang mga naarestong drug personalities na sina Myler Ballosong, 31; Dave Mar Wage, 37; Myra Bugtong, 27; at Bueneventura Abansi, 34. Nasa kustodiya na ngayon ng kani-kanilang arresting unit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon