BAGUIO CITY – Apat na estapador kabilang na lider ng binansagang Phoenix Blitz Criminal Gang, ang nasakote ng mga tauhan ng Baguio City police Office sa kanilang hide-out sa San Fernando City,Pampanga.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Leody M Opolinto, Presiding Judge, MTCC, Branch 3, Baguio City at Roberto Mabalot, Presiding Judge, Br 1, MTCC, Baguio City, ay kinilala ng mga dinakip na sina Junilyn Bringas Dabalos, 44 at Ronaldo Sales Agsalud, 46, na nahuli sa may Lourdes Heights Subd., Sindalan, San Fernando, Pampanga, samantalang si Joselito Garcia Picarzos, 63, ay natunton sa may Magtuto Compound Sindalan, San Fernando, Pampanga noong Disyembre 2.
Sa patuloy na follow-up operation, an glider ng grupo na si Grace Decano De Guzman, 58, ay nasakote sa may Magtuto Compound Sindalan, San Fernando, Pampanga noong umaga ng Disyembre 3.
Ayon sa pulisya, ang Phoenix Blitz ay nagsimulang mag-operate noong Abril 2018 na bumiktima ng mga private sectors, businessmen at online seller networking groups sa Baguio City at nakalikom ng P4.5 milyon.
Sa imbestigasyon, nahihimok umano ng grupo ang ilang investors na mag- invest sa kanila kapalit ang pangakong 30 percent na kikitain sa loob lamang ng isang buwan at pinangukuan ang bawat investor na ang kanilang pera ay ipapasok sa foreign exchange market. Nabigo umano ang mga ipinangako ng grupo sa mga investor kaya sinampahan nila ito ng kasong estafa.
Sina De Guzman, Dabalos at Agsalud ay nakasuhan ng 10 counts of Estafa, samantalang si Picarzos ay 6 counts of estafa. Piyansang P560,000 bawat isa ang ipinataw ng korte para sa kanilang pansamatalang kalayaan.
Zaldy Comanda/ABN
December 7, 2020
December 7, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025