LA TRINIDAD, Benguet
Apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang bumalik sa batas at boluntaryong sumuko na nagmarka ng makabuluhang pag-unlad sa seguridad ng rehiyon ng Cordillera,noong Hulyo 15. Sa Apayao, isang 40-anyos na lalaking magsasaka, na kinilalang dating miyembro ng NPA sa Barrio (Sangay ng Partido Member), ang sumuko sa pinagsamang mga operatiba ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial
Intelligence Unit (PIU), Pudtol Municipal Police Station (MPS), Provincial EOD and Canine Unit, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), at Regional Intelligence Unit 14 (RIU 14).
Sa kanyang pagsuko, ibinigay din niya ang isang baril, isang MK2 rifle at isang hand grenade fragmentation. Tatlong miyembro din ng rebeldeng NPA sa ilalim ng Barrio (KLG AMPIS), ang boluntaryong sumuko sa magkasanib na operatiba ng Benguet Provincial Police Office. Ayon sa Police Regional Office-Cordillera ang lahat ng mga sumuko ay dinala sa kustodiya ng kani-kanilang lead unit na namamahala para sa tamang dokumentasyon at custodial
debriefing.
Zaldy Comanda/ABN