LUNGSOD NG BAGUIO – Apat pang pampublikong paaralan sa lungsod ang nagbukas ng limitaodng face-to-face (F2F) classes habang 49 pang iba ang nakasunod sa mga requirement at nominado na magsimula ng F2F sa susunod na mga araw.
Sinabi ng Department of Education (DepEd) Baguio Schools Division sa ilalim ni Supt. Federico P. Martin na ang Baguio City National High School, Sto. Tomas National High School, Alfonso Tabora at Dominican Mirador elementary school ay sinimulan na ang F2F sa iba-ibang petsa ngayong linggo na sumama na sa naunang Sto. Tomas at Gibraltar elementary schools.
Ang iba ay nasa ilang yugto ng compliance sa safety seal requirements, assessments, orientation at simulations. May kabuuang 67 public schools ang lungsod ng binubuo ng 45 elementary at 22 high schools.
Sumama si Mayor Magalong sa cuty schools team na pinamunuan ni Martin sa pagsasagawa ng ocular inspection at F2F readiness validations para sa iba’t-ibang paaralan na nangako ng suporta hindi lamang sa mga requirement para sa F2F kundi pati sa pagpapabuti ng kanilang physical facilities.
Sinabi ng mayor na trinatrabaho ng lungsod ang pagpapautang sa mga paaralan ng ilang mga kama na ipinahiram sa lungsod ng Dept. of Public Works and Highways na ginamit samga isolation facilities na hindi na ginagamit dahil sa pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) para makasunod sila sa requirement ng isolation.
Ang ilang mga kama na pag-aari ng lungsod ay inilipat na sa ilang mga paaralan. Nangako rin ang mayor na tutulong siyang makakuha ng mga pondo para sa pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga silid-aralan gayundin ang konstruksiyon ng mas bagong mga gusali, ayon kay Martin.
Sinabi ng School division na maliban kay Martin, sinamahan si mayor ni School Governance and Operations Division Education Program Supervisor (SGOD EPS) Niño Tibangay at division supervisor, disaster risk reduction management coordinate and medical officers na bumubuo sa composite team.
Ang mga binisita ng mga paaralan ay ang Baguio Central School sa pamumuno ni Principal Esther Litilit, Pinget Elementary School na pinamumunuan ni Philip Sagalla at Pinsao Elementary School sa ilalim ni Annie Laurie Bisquera na sa panahong iyon ay naghahanda at sumusunod sa mga indicator ng School Safety Assessment Tool (SSAT) ng DepEd bilang F2F requirement.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
March 21, 2022
March 21, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025