4 PULIS, PINARANGALAN SA KANILANG NATATANGING SERBISYO

CAMP DANGWA, Benguet

Apat na pulis ang pinarangalan sa kanilang huwarang serbisyo, matapos ang buwanang pagdiriwang ng 29th Police
Community Relations (PCR) Month, sa isang culmination program ng Police Regional Office Cordillera
Administrative Region, na ginanap sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong Hulyo 31.

Ang highlight ng seremonya ay ang paggawad ng PNP medals at Plaques of Recognition sa apat na
outstanding PRO-CAR personnel na sina Lt.Col. Renny Lizardo,bilang Outstanding PCAD Senior PCO; Capt. Gilbert Anselmo, bilang Outstanding PCAD Junior PCO; PSMS Rhescien Mae B Anselmo, bilang Outstanding PCAD Senior PNCO at PSsg Noe Marok, bilang Outstanding PCAD Junior PNCO.

Ang programa ay dinaluhan ni Regional Director ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-CAR, Maria Atitiw Catbagan-Aplaten,kasama sina Deputy Regional Director for Administration (DRDA), Brig.Gen. Rogelio Raymundo,Jr.,;Deputy Regional Director for Operations, Col. Elmer Ragay; Chief Regional Staff, Col.Julio
Lizardo; Regional Director ng National Police Commission CAR, Editha S. Puddoc at mga iba pang opisyal ng PRO-CAR.

Sa mensahe ni Aplaten , kanyang binabati ang mga awardees at hinimok ang lahat ng tauhan ng PRO-CAR na
ipagpatuloy ang kanilang dedikadong serbisyo. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng mas ligtas na mga komunidad bilang bahagi ng isang umuunlad na “Bagong Pilipinas.”

Aniya, ang isang gabay na prinsipyo na nakapaloob sa acronym na INTEGRITY, na nagbibigay-diin sa mga halaga tulad ng Inspirasyon, Nobility,Trust, Excellence, Grit, Respect, Innovation, Teamwork, at Yearning. Hinikayat niya ang mga pagpapahalagang ito na gabayan ang mga tauhan ng PRO-CAR sa kanilang propesyonal at personal na buhay.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon