TABUK CITY— Ipinahayag ni Tabuk City Mayor Darwin Estranero na malapit ng magkaroon ng katuparan ang pagtatayo ng 40 megawatts na Solar Power Plant sa syudad na ito matapos makipagkasundo sa isang Europena company.
Ayon kay Tabuk City Mayor – Elect Darwin Estrañero na ipapatayo na ang 40Megawatts Solar Power Plant sa Forty Hectares na Lote na kung saan ay mayroong 30 years na Private Public Partnership ang Tabuk City government at ang European Company.
Sinabi rin ni Estranero na hindi lang ang syudad ng Tabuk ang maaring makinabang sa solar power na ito kundi ang buong Probinsya ng Kalinga at kalapit na Probinsya tulad ng Cagayan at Apayao.
Aniya maaaring bumaba ang presyo ng kuryente kapag naisakatuparan ang proyektong ito sa lalong madaling panahon. Sinabi rin ng Alkalde ng Tabuk na nagkaroon nan g pirmahan sa pagitan ng LGU ng Tabuk at ang European company sa nasabing proyekto.
Idinagdag pa niya na maging si Energy Secretary Alfonso Cusi ay nangakong pipirmahan niya nasabing proyekto bago siya bumaba sa kanyang pwesto.
Ara Katter/ABN
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025