400 COVID VARIANT NAITALA SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Mula sa dalawang Omicron variant na nagsimula pa noong kalagitnaan ng Disyembre at nakumpirma ito noong Enero 15, na nagdulot ng mabilis na pagtaas ng coronavirus diseases (COVID-19) ay nadagdagan pa ito ng 7 at ang pagbalik ng 5 delta variant noong Enero 25, ayon sa bio-surveillance report ng Philippine Genome Center.
Sa kasalukuyan ay pumalo sa 400 Variants of Concern (VOC) ang naitala sa lungsod mula ng magsimula ang pandemya, na kinabibilangan ng Alpha 117; Beta 52; Delta 222 at Omicron 9.
Matatandaan noong nakaraang taon, ang pagsipa ng Delta variant ay labis na nagpahirap sa mga tinamaan ng COVID, na nauuwi sa pagkamatay.
Ayon kay Benjamin Magalong, sa muling pagbalik ng delta na tinaguriang virulent variant ay isa na namang banta sa siyudad,dahil sa pagkamatay ng ilang COVID patients sa nagdaang araw sa kabila ng pagsipa ng less severe omicron variant.
Aniya, “Omicron is now the dominant variant fueling the active transmission in the community.”
Sa 5 delta cases, 4 ang nakarekober, samantalang isa ang namatay. Ang mga tinamaan ng Omicron lahat ay gumaling,lalo na’t vaccinated ang biktima.
“Binalikan naming ang contact tracing at link analysis to determine circumstances of the patients and provide a clue where the infection originated to guide the city in its preventive measures,” pahayag pa ni Magalong.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon