44 fish landing centers sa Rehiyon 1, itinatag ng BFAR

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Nagtatag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 44 Community Fish Landing Centers (CFLC) sa Rehiyon 1, na dinisensyo upang matiyak ang mataas na kalidad ng mga produkto para sa mamimili kaya mayroong maayos na kita ang mga mangingisda.
Inilunsad noong 2015, ang proyektong CLFC ay tumutugon sa mga problema ng kaligtasan ng pagkaing-dagat at nagpapabuti sa paghawak ng mga produktong ito.
Sa panayam kay Mea Baldonado, officer-in-charge ng Fisheries Post-Harvest and Marketing Division-BFAR regional office 1, na ang ibang mangingisda sa ibang bahagi ng rehiyon ay walang karaniwang lugar na maaaring pag-imbakan ng kanilang huli kaya iniiwan na lamang sa lupa o sa piling lalagyan, na nagiging sanhi upang bumaba ang kalidad at presyo ng kanilang produkto.
Sa kabilang banda, sinabi ni Baldonado na ang CFLC ay mayroong stainless tables o fish stall na maaaring paglagyan ng kanilang huli, at freezer na maaari nilang pag-imbakan.
Inihayag niya na mayroon ding pagkakapareho sa presyo ng mga produkto sa mga nagtitinda sa loob ng CFLC.
“There are considerations followed by BFAR before approving the construction of CFLC. These are number of municipal fisherfolks, registered boats, fish production in that area, existing landing site or fishport,” dagdag niya.
Ani Baldonado, ang CFLCs ay pinamamahalaan ng local government units (LGUs), dahil tinutulungan din nila ang pag-ayos ng mga mangingisda sa kanilang mga lokalidad bago maibigay sa kanila ang pamamahala ng sentro.
Ang Ilocos Norte ay may kabuuang 10 CFLCs, Ilocos Sur ay may 16, habang ang La Union at Pangasinan ay mayroong siyam bawat isa. H. AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon