LUNGSOD NG DAGUPAN – May kabuuang 46 kandidato ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa iba’t ibang posisyong panlalawigan sa Pangasinan mula Oktubre 11 hanggang 17 sa Commission on Elections (Comelec) provincial office.
Sinabi ni Provincial Election Supervisor Marino Salas na ang limang araw na paghahain ng COC sa Pangasinan ay maayos at payapa sa pangkalahatan, maliban sa ilang kaunting gusot.
“The minor problems encountered by some of the candidates were submission of wrong COC form,” aniya. Ilang
mga kandidato ang kulang sa kailangang bilang ng documentary stamps, ilang COC ay hindi nanotaryohan, at
ilan pa ang COC na hindi napirmahan, aniya.
Dalawa ang magtutunggali sa pagkagobernador, ang reelectionist na si Governor Amado Espino III ng Partido
Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at si Alaminos City Mayor Arthur Celeste ng Nacionalista Party.
Running mate ni Espino si dating board member Angel Baniqued Sr., habang bise gobernador naman ni Celeste si
retired police officer Paterno Orduna.
Kandidato bilang district representatives sina Bolinao Mayor Arnold Celeste, DOTr Undersecretary Thomas Orbos,
at Ernesto Regaspi (first district); Board Member Raul Sison, Bugallon Mayor Jumel Anthony Espino, at Roberto
Merrera Jr. (second district); reelectionist Representative Rose Marie “Baby” Arenas, dating Calasiao mayor Celso de Vera, at Jaime Aquino (third district).
Sa fourth district ng Pangasinan ay maghaharap sina re-electionist Representative Christopher George Martin de Venecia at dating Dagupan City vice mayor at administrator Alipio Vittorio Ramon Fernandez, Teodoro Wilhelm
Manaois, Dagupan City Councilor Redford Christian Erfe-Mejia, at Larry Gryson de Venecia.
Magkatunggali sa ikalimang distrito sina reelectionist Congressman Amado Espino Jr. at Binalonan Mayor Ramon Guico III habang sina Tayug Mayor Tyrone Agabas at Myrna Custodo ay naghain ng COC para sa ikaanim na distrito.
Samantala, ang bawat distrito ay may dalawang board member o Sangguniang Panlalawigan member. Ang mga kandidato ay sina re-electionist Antonio Sison, Donabel Fontelera, Alaminos City Councilor Margielou Orange
Humilde-Verzosa, at Bani Councilor Richard Camba sa first district; sina Lingayen Councilor Maria Andrea “Ma-an” Meneses, re-electionist Board Member Nestor Reyes, former board member Von Mark Mendoza, former Urbiztondo vice mayor Haidee Soriano, at Arsenio Merrera sa second district.
Sina Darwina Sampang (chief of staff ni Vice Gov. Jose Ferdinand Calimlim Jr.), re-electionist Board Member Angel Baniqued Jr., former congressman Generoso Tulagan Sr., former San Carlos City councilor Vici Vetanilla, at Eduardo
Gonzales ay kandidato sa third district.
Habang sa fourth district ay sina re-electionist Board Members Liberato Villegas at Jeremy Agerico Rosario, at former Mangaldan Liga ng mga Barangay president Ritchie Abalos.
Sa fifth district ay sina re-electionist Board Member Chinky Perez-Tababa, Villasis Councilor Nicoli Jan Louie Sison, former Binalonan councilor Francis Melville Tinio, at former Urdaneta City vice mayor Onofre Gorospe.
Sina re-electionist Board Members Noel Bince at Salvador Perez, Jr., at lawyer Nelson Palaris ang magtutunggali sa sixth district. L.YPARRAGUIRRE, PNA / ABN
October 21, 2018
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025