5 BARANGAY IDINEKLARANG DRUG-DREE SA BAGUIO, BENGUET

BAGUIO CITY

Limang barangay sa Cordillera ang idineklarang drug free ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera sa pulong na ginanap noong Hunyo 9. Sinabi ni PDEA Regional Director Julius Paderes, ang limang barangay na nakakuha ng drug-cleared status ay ang Bakakeng Central, Irisan, Loakan Proper, Lourdes
Subdivision Extension sa Baguio City at ang Barangay Pico naman sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Paderes, naglabas ng mga resolusyon ang ROCBDC sa 13 barangay para sa Retention of Drug Cleared Status. Ang mga barangay na nakapagpanatili ng kanilang drug-cleared status ay ang
mga sumusunod: Colabaoan, San Juan, Abra; O-ong, Hingyon, Ifugao; barangays Burnaya, Cudog, Montabiong, Poblacion East, Poblacion North, Poblacion South, Poblacion West, at Tunnggod ng Lagawe, Ifugao; at barangay Maducayan, Poblacion, Saliok ng Natonin, Mt.Province.

Siyam na Barangay AntiDrug Abuse Council ang nakatanggap ng kanilang resolusyon hinggil sa kawalan ng mga aktibong personalidad sa droga, sa gayo’y naging kwalipikado silang mag-aplay
para sa verification ng drug-free status. Ito ay ang Barangay Daga, Guinaang, Guinamgaman, Ili,
Katablangan, Mawigue, Nabuangan, Puguin, at Talifao, sa bayan ng Conner, Apayao.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon