TABUK CITY, Kalinga – Limang drug courier na pininiwalaang sangkot din sa robbery-holdup ang napatay ng pulisya sa naganap na madugong enkuwentro malapit sa police checkpoint sa Barangay Malalao, Tabuk City, Kalinga noong umaga ng Abril 28.
Sinabi ni Col. Peter Tagtag, Jr., provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, nakatanggap ng impormasyon dakong alas 4:00 ng umaga ang Tabuk City Police Station mula sa mga tauhan ng Task Force Limbas at Regional Special Operation Group SOG na ang nasabing criminal groups na sangkot sa mga Robbery Holdup sa Region 2,3 at 4 ay namataan sa Tabuk City na magbibiyahe ng marijuana palabas ng siyudad.
Agad nagsagawa ng police checkpoint sa mga exit point ng siyudad dakong alas 9:45 ng umaga hanggang parahin ang paparating kotse na isang kulay gray/black Almera na may plate number NUS 11, subalit sa halip na huminto ay pinaputukan ng isang pasahero ng kotse ang police personnel na tumama sa patrol car na nagbabantay sa checkpoint.
Mabilis na hinabol ng pulisya ang naturang sasakyan na nauwi sa armed encounter at nagresulta sa pagkasawi ng limang suspek.
Ayon kay Tagtag, sa isinagawang crime scene processing ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) dakong alas 1:50 ng hapon, ay narekober mula sa sasakyan ng mga suspek ang 23 piraso ng dried marijuana bricks na may timbang na 23,000 grams at may halagang P2, 760,000.00.
Narekober din mula sa mga suspek sa crime scene ang apat na caliber .45 pistol, 10 piraso ng fired cartridges 9mm caliber; 10 piraso ng fired cartridge case, dalawang pirasong fired cartridge case ng cal. 5.56; isang slug; 4 piraso ng live ammunition ng cal .45 at isang live ammunition.
Dalawa sa limang suspek ang nakuhanan ng identification card professional driver’s license at Anti Organized Crime and Corruption Intelligence Group ID na may pangalang Ian Salutin Zulueta at identification card mula sa Barangay Tangle of Mexico, Pampanga at Anti Organized Crime and Corruption Intelligence Group ID na may pangalang Jose S.Libreja.
“Duda pa kami sa mga identification card na narekober na posibleng ginamit para ilihis ang kanilang pagkakakilanlan, kaya nakikipag-ugnayan pa kami sa pulisya sa Region 3 upang masigurado ang identity ng mga suspek at malaman ang kanilang mga kasong kinasasagkutan,” pahayag pa ni Tagtag.
Zaldy Comanda/ABN
May 2, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025