BAGUIO CITY – Limang drug personalities ang muling nalambat sa mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga mula sa dalawang araw na buybust operation sa magkakahiwalay na lugar sa siyudad ng Baguio.
Sinabi ni City Director Glenn Lonogan, ng Baguio City Police Office, si Michael Fulgenio Cerezo, 43, ay nasakote sa may AZKCO Barangay, Baguio City, matapos mahulihan ng 1 gramo ng shabu na may halagang P6,800, smantalang si Jay Kiwas Alamar, 27, ay nadakip sa may Melvin Jones at nakunan ng 5 gramo ng shabu na may halagang P37,400.
Sa Barangay Bakakeng, nasakote naman sina Romel Fontanilla Mabalot, 39 at Marjorie Lutis Ticuan, 28 at nahulihan ng 20 gramo ng
shabu na may halagang P136,000. Bukod dito ay nakuha pa kay Ticuan ang 1 gramo ng shabu na may halagang P6,800.
Sa Barangay P. Burgos, nsakote ng ga operatiba ng BCPO Station 2 si Teddy Bruno Capino, 49, matapos magbenta ng 0.5 gramo ng shabu na may halagang P3,400.00 sa nagpanggap na poseur buyer.
Zaldy Comanda/ABN
November 14, 2021
November 14, 2021
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025