BAGUIO CITY
Arestado sa isang drug den ang limang drug personalities matapos ang isinagawang buy-bust
operations ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa San Carlos Heights, Irisan, Baguio City noong Setyembre 26. Sinabi ni PDEA Regional Director Julius Paderes, na may kabuuang 10 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P68,000.00 at mga drug
pharepernaluas ang nakumpiska sa operasyon.
Kinilala ni Paderes ang mga suspek na sina Myra Ruiz, Ulysses Deasis, Bon Jovi Jovellana, Ace Amigo, at Mark Laurence Buncag. Pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA Cordillera ang mga suspek habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
September 29, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023