5 miyembro ng pamilya, sugatan sa landslide

Sugatan ang limang miyembro ng isang pamilya bandang 5:30am ng Mayo 19, 2018 sa Purok 14, Lower Cypress, Irisan, Baguio City.
Sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang mga biktimang sina Cory Sunga-ab Gayamman, 32anyos ng Lepanto, Mankayan, married, housewife; Sofia Sunga-ab Tagilala, 36anyos ng Mankayan, Benguet, married, housewife; at kanyang tatlong anak na sina Jasmine Hayzel, 9; Ivan Shane, 5; at Janella, 1, nang gumuho ang riprap ng ginagawang construction ng Anglican Church na katabi lamang ng boarding house at tamaan ang kanilang kuwarto kung kaya’t nagtamo ang mga biktima ng sugat.
Dinala ang mga biktima sa BGHMC ng kanilang kapitbahay para sa agarang lunas.
 

Amianan Balita Ngayon