BAGUIO CITY
Igagawad ng city government ang parangal sa limang natatanging mamamayan napiling awardees ng Society of Outstanding Citizens of Baguio sa pagdiriwang ng 115th Charter Anniversary commemoration program sa Baguio Convention Center and Cultural Center sa Linggo, Setyembre 1. Sa temang “Baguio Fusion: Tradition, Innovation.
Celebration, ang pagdiriwang ngayong taon ay sumasalamin sa pabago-bagong timpla ng mayamang pamana ng kultura at espiritu ng pasulong na pag iisip.
Ang limang pararanglan ay sina Dr. Jimmy A. Billod,bilang nag-iisang full-time na Gynecologic Oncologist ng Baguio General Hospital and Medical Center; Arnel M. Cabanisas (Community Service); Maricar A. Docyogen, founder ng Pasa-kalye Group of Artists. Engr.Fernando C. Laranang ( ProfessionalService), na nagtatag ng FCL Laranang Companies, isa sa mga pinaka-maaasahan at pinagkakatiwalaan kumpanya ng konstruksiyon sa lungsod at Dr. Mary Arsenia Ngao-si Mondiguing ( Community Service), Section Chief para sa Cataract and Refractive Services ng Department of Ophthalmology at Vice-Chair ng Research Ethics Committee ng Ilocos Training and Regional Medical Center; Tuwing linggo sa buwan ng Setyembre ay sarado sa trapiko ang kahabaan ng Session Road,para bigyan-daan
ang mga aktibidad at kaganapan bilang bahagi ng ng ika-115 Baguio City Charter Anniversary.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024