5 PULIS SA CORDILLERA, GINAWARAN NG PARANGAL

CAMP DANGWA, Benguet

Bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa anti – criminality campaign, limang pulis ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) ang ginawaran ng parangal, noong Oktubre 28. Ang awarding ceremony ay pinangunahan ni Brig. Gen. David Peredo,Jr., regional director, na siyang naghandog ng mga medalya ng PNP sa mga awardees.

Ang Medalya ng Pambihirang Paglilingkod (PNP Special Service Medal) ay iginawad kay Brig.Gen. Rogelio Raymundo,Jr., ang Deputy Regional Director for Administration, para sa kanyang napakahalagang serbisyo bilang Officer-in-Charge ng Deputy Regional Director for Operations ng PRO 12 mula Agosto 11 hanggang Setyembre 19, 2022, at bilang Deputy Regional Director for Operations sa buong kapasidad mula Setyembre 20, 2022 hanggang Oktubre 30, 2023.

Samantala, binigyan ng Medalya ng Kagalingan (PNP Medal of Merit) ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit para sa matagumpay na buy-bust operation na isinagawa sa Quezon Proper, Baguio City noong Setyembre 15, 2024, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang high value drug personalities at nakumpiska ang 51.1521 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P347,834.00.

Bukod dito, iginawad din ang parehong parangal kina Major Jim Cris Dagdag at PCpl Jefferson L Tiwaken ng Benguet Police Provincial Office para sa matagumpay na pagtugon ng pulisya sa Ambassador, Tublay, Benguet noong Agosto 23, 2024, na nagresulta sa pagka aresto sa isang subject person at ang pagka-kumpiska ng 27 piraso ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may fruiting tops in tubular form na tumitimbang ng 29,052.41 gramo na may halagang P3,486,289.20.

Zaldy Comada/ABN

Amianan Balita Ngayon