CAMP DANGWA, Benguet – Limang kalalakihan na bumisita sa lugar ng kilalang tattoo artist na si Apo Whang-od sa Barangay Buscalan, Tinglayan,Kalinga, ang nadkip matapos mahulihan ng P2.5 milyong halaga ng marijuana bricks sa isinagwang checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.
Kinilala ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera,ang nadakip na sina Mark Adrian Aguilar,18; Andrie Punsalan, 21; Ramil Limtoyoco Dela Cruz, 21; Alvin Triplett Medel, 24 at Mark Joseph Dela Pena,23, na pawang taga Pampanga at National Capital Region.
Ayon kay Lee , namataan ng intelligence operative ang limang suspek dakong alas 3:00 ng hapon ng Pebrero 15 sa nasabing barangay na may bitbit na pinaghiinalaang marijuana sa kanikanilang bag at sumakay ng pampasaherong bus patungong Tabuk City.
Agad na itinawag ng intel operative sa 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (KPMFC) nan aka-base sa Barangay Dangoy, Lubuagan, na agad nagsagawa ng checkpoint operation.
Sa isinagawang inspeksyun ay nakuha sa mga bag ng suspek ang 17 bricks ng dried marijuana leaves na may timbang na 15,028 grams at may Standard Drug Price (SDP) na P1,803,360.00; walong tubular marijuana leaves na may timbang na 5,480 grams na may halagang P657,600.00; dalawang maliit na ashes in cigarette form weighing 10 grams na may halagang P1,200.00 at apat na sachets ng marijuana in cookies form na may timbang na 360 grams at may halagang P43,200.00.
Ang operation at inventory on site ay sinaksihan ni Bernadeth Malayao, DOJ representative at Kagawad Edna Taotao, ng Barangay Dangoy. Ang suspek ay dinala sa Lubuagan Municipal Police Station (MPS) at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025