Isinagawa ang maramihang kasalan noong February 14 “Araw ng Puso”sa Rose Garden, Burnham Park. Si Mayor Benjamin Magalong at Cong. Mark Go ang nanguna sa programang kasalan kasama sila konsehal Elaine Sembrano at Betty Lourdes Tabanda.
Ang “I DO, I DO Araw ng Pag-Ibig” ay inorganisa ng Pag-ibig Fund sa pangunguna ni Deputy Chief Executive Officer Marilene Acosta. Taong 2012 huling ginanap ang kauna-unahang “I DO, I DO Araw ng Pag-Ibig” sa SM City Baguio.
Ayon kay Acosta may bilang na 21,000 pares sa buong bansa ang ikinasal noong Araw ng Puso (2020) sa programa ng naturang ahensya kabilang ang 50 mula sa Baguio.
Douell Weygan, UB Intern – ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025