50th year GUMIL Filipinas countdown, inumpisahan

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Inumpisahan na ng mga Ilokanong manunulat sa buong bansa ang countdown para sa golden anniversary ng GUMIL Filipinas (Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas) o Ilokano Writers Association of the Philippines sa kanilang 49th national convention sa Union Christian College sa lungsod na ito.
Sinabi ni Cagayan Provincial Board Member Vilmer Viloria, ang bagong halal na president ng GUMIL Filipinas para sa taong 2017-2019 na pagkatapos ng kick-off activity noong Abril 23 ay ilang aktibidades na nagsusulong ng mga kultura ng lengguwaheng Ilokano ay nakalinya.
“We have programmed workshops on Ilokano writings for short story, feature story, stage play, poem, and other literary works,” ani Viloria.
Ang GUMIL Filipinas ay isa sa pinaka-aktibong grupo ng regional writers sa Pilipinas na naorganisa noong Oktubre 19, 1968 sa lungsod ng Baguio na kung saan ang kilalang manunulat na si Arturo M. Padua na noo’y alkalde ng Sison, Pangasinan ay nahalal na presidente. Ang mga naunang opisyal ng grupo ay nanumpa sa opisina ni dating president Ferdinand E. Marcos.
May daan-daan aktibong writer-members ang grupo sa provincial, city at municipal chapters gayundin sa ibayong-dagat sa mainland U.S. at Hawaii, Hongkong at sa Greece.
Ayon kay Viloria, ang GUMIL Filipinas ay nalikha na magsagawa ng forum kung saan ang mga manunulat na Ilokano ay maaaring kumuha ng common at cooperative efforts upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagsusulat ng literary, historical, research at iba pa.
Lilinangin ng grupo ang Ilokano literature at cultural heritage habang ang “phases of the national identity” sa paghihikayat sa mga miyembro na tumutok sa pagsusulat ng malawak at masidhi tungkol sa social, economic, cultural, at iba pang aspeto ng pagbabago at pag-unlad ng mga Ilokano sa pamamagitan ng literature, history at research.
“GUMIL Filipinas is also aiming to publish books of poetry, short stories, essays, novels, historical accounts, research and critical studies, and other writings and to assist each member in pursuing their writing career and in fulfilling his life as a member of Philippines society,” pagtatapos ni Viloria. ABN

Amianan Balita Ngayon