CAMP DANGWA, Benguet – Limangpu’t isang supporter ng New People’s Army (NPA) ang kusang-loob na kumalas at nagbalik-loob sa pamahalaan mula sa lalawigan ng Mt. Province, Apayao, Benguet at Ifugao, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.
Sinabi ni Captain Marnie Abellanida, deputy chief ng Regional Information Office, matapos ang mahabang negosasyon ay nakumbinsi ang 41 miyembro ng Kasigudan Aywanan Takderan Binangun di Kabunian Organization (KATABIKO) na kilalang sumusuporta sa Communist Terrorist Group (CTG) ang nagbalik-loob sa pamahalaan noong Enero 30 sa simpleng seremonya na ginanap sa Barangay Bunga, Tadian, Mountain Province.
Ang okasyon ay isinagawa ng Mountain Province Police Provincial Office (MPPPO), PROCOR Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit- 14, the Local Government Unit of Tadian at Philippine Army.
Pormal na nanumpa ang 41 miyembro ng KATABIKO ng pledge of allegiance to the government na pinasinayaan ni Angeline Pul-ocan, KATABIKO member, kasabay ang pagbasa ng KATABIKO Resolution na nagdedeklara ng Persona Non-Grata sa mga grupong rebelde.
Ayon kay Abellanida, 10 supporter din ng CPP-NPA sa Apayao, Benguet, at Ifugao ang nagwithdrawn din ng kanilang suporta at kusang-loob na sumuko sa PROCOR mula Enero 23-20.
Anim na dating Militia ng Bayan sa ilalim ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) na nagooperate sa lalawigan ng Apayao at Cagayan ang sumuko sa pulisya na kinabibilangan ng 51 at 58-year-old couple mula sa Sta. Marcela at apat sa bayan ng Luna.
Sa Benguet, 3 dating Militia ng Bayan mula KLG-North Abra ang nagbalik-loob din sa pamahalaan, samantalang isang 56 year old na dating CTG supporter ng KLG- Ifugao ang sumuko at isinuko din ang dala nitong subversive documents, assorted clothes at medical kits.
Zaldy Comanda/ABN
February 5, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025