5K TRANSPORT GROUPS MAKIKINABANG SA ILOCOS NORTE TRANSPORT HUB

SAN PEDRO, LAOAG CITY

Malugod na tinanggap ng mga transport group sa Ilocos Norte ang PhP380-million modern public transportation hub sa Barangay 5 San Pedro sa lungsod ng Laoag, na sinabing magreresulta ito sa isang mas organisadong sistema sa transportasyon. Sa isang panayam noong nakaraang Martes, sinabi ni Jonathan Pascua, presidente ng New Bacarreños Transport Corporation na inaabangan nila ang operasyon ng transportation hub kung saan ang konstruksiyon nito ay nagumpisa noong Pebrero 2 at isinasagawa ng Department of Transportation (DOTr).

“Malugod naming tinatanggap ang pag-unlad na ito. Umaasa rin kami na ipagpapatuloy ng gobyerno na tulungan at isipin kami, lalo na ng mga pamilya naming,” ani Pascua. Sinabi ni Arnel Villanueva, isang tricycle driver mula sa
lungsod ng Laoag na ang pagkakaroon ng isang terminal hub malapit sa mga unibersidad ay mababawasan ang
pagsisikip ng trapiko at magbibigay sa mga tricycle driver ng isang mas mabuting lugar habang naghihintay ng mga pasahero.

“Sa oras na mag-umpisa ang operasyon, sa proyekto ay inaasahang mabebenipisyuhan ang halos 5,000 public transport groups kabilang ang mga driver at operator ng 1,203 na mga jeepney, nasa 300 mga bus, 24 na mga taxi at 3,232 mga tricycle na “for hire,” sinabi ni Atty. lawyer Athena Nicolette Pilar, acting general manager ng Metro Ilocos Norte Council. Ang transportation hub na dinisenyo ng tanyag na Ilokano architect na si Felino Palafox ay isang mixed-used commercial establishment na may mga opisina ng gobyerno, friendly spaces, commercials spaces,
isang roof garden at mga terminal para sa mga bus, mga jeepney, mga taxi at mga tricycle.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon