Nasagasaan ang isang 6 anyos na batang lalaki bandang 1:30pm ng Abril 17, 2018 sa kahabaan ng Lower Rock Quarry, Baguio City.
Aksidenteng nasagasaan ng Suzuki Multicab Flat Bed na may temporary plate number 090108 na minamaneho ni Mark Anthony Corpuz Alunday, 35 anyos at residente ng Purok 6, City Camp Central, Baguio City, si B-jhay Capistrano Garcia, 6 anyos, kindergarten at residente ng Purok 6, Camp Allen, Baguio City na biglang bumaba ng taxi at tumakbo patawid sa kalsada.
Dahil sa malakas na tama, ang biktima ay napahiga sa ilalim ng Suzuki Multicab at agad na hinila ng kaniyang ama na si Benjamin Paras Garcia, 26 anyos, at residente ng Lower Rock Quarry, Baguio City.
Ang biktima ay dinala ni Alunday, kasama si Benjamin at kaniyang partner sa Baguio General Hospital para sa agarang lunas.
April 21, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025