BUCLOC ABRA – Anim na pamilya na kinabibilangan ng 28 katao ang nawalan ng bahay matapos wasakin ng buhawi ang kanilang lugar noong Biyernes ng hapon sa Barangay Labaan, Bucloc, Abra.
Ang mga apektadong pamilya ay kasalukuyang nakikitira sa kani-kanilang mga kamag-anak, habang nagsasagawa ng clearing operation sa lugar, ayon kay Bucloc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Ferdinand Balao-as.
Dalawang bahay ang totally damaged at apat ang partially damaged at ang mga biktima ay humihingi ng agarang tulong, ayon kay Balao-as.
Agad namang nagpadala ng mga relief good ang lokal na pamahalaan at inihahanda din ang tulong para maipatayo muli ang kanilang bahay.
Ayon pa kay Balao-as, ilang landslides din ang naitala sa ibang lugar sa bayan dulot ng ulang dala ng bagyong Hannah.
Zaldy Comanda-ABN
August 5, 2019
August 10, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025