BONTOC, Mountain Province – Kamakailang ay nagbigay ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng tulong pinansiyal sa anim na dating rebelde (FRs) sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (CLIP).
Lima ay dating miyembro ng Militia ng Bayan (MB) habang isa ay dating regular na miyembro ng communist armed group.
Kasunod matapos ang kinakailangang mga proseso, bawat isa sa kanila ay agad tumanggap ng tulong na PhP15,000. Livelihood assistance na PhP50,000 ang ibinigay sa regular na miyembro. Dalawa ang tumanggap ng firearm remuneration sa halagang PhP130,000.00.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga tumanggap na gamitin ang tulong ng maayos upang
makapamuhay sila na mas produktibo.
Sa paglilipat ng CLIP sa DILG mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at ang Joint Memorandum Circular No. 2018-01na may petsang Hulyo 5, 2018 na nagbibigay ng implementing guidelines para sa probisyon ng DILG-administered package assistance sa dating mga rebelde, nakatulong na ang ECLIP sa probinsiya sa 14 FRs (9 regular na miyembro at 5 MB) mula 2018 hanggang sa kasalukuyan.
May kabuuang PhP210,000.00 ang nailabas para sa agarang tulong sa 14 na FRs; PhP450,000.00 para sa livelihood assistance sa siyam ng FRs at PhP1,026,000.00 firearm remuneration para sa siyam na nagsuko ng baril.
Nagbigay din ng reintegration assistance upang mabayaran ang subsistence cost ng FR habang nasa pangangalaga ng tumanggap na unit, at iba pang incidental expenses na maaaring nagastos habang prinoproseso ang Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC) certification para sa ECLIP.
Ang probisyon ng complete package of assistance sa mga FRs sa ilalim ng E-CLIP ay aplikado sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF gayundin sa kanilang immediate family members na sumuko mula Abril 3, 2018 at nagpahayag ng kanilang kagustuhan na iwanan ang armadong pakikipaglaban o sumuko umpisa Hulyo 1, 2016 ngunit hindi pa nakakatanggap ng buong tulong sa ilalim ng CLIP.
JBS-PIA CAR, Mt. Province/PMCJr.-ABN
March 9, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025