LUNGSOD NG BAGUIO – Anim na kabataang drug suspek ang inaresto sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang PhP51,000 halaga ng shabu umaga ng Martes (Setyembre 29) dito.
Kinilala ni Director Gil Ceasario Castro ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) ang naaresto na sina Jeanne Tabil, 19, taga La Trinidad, Benguet; John Michael Abalos, 22, mula Santa Barbara, Pangasinan; Rodel Balmores, 19, mula Cauayan, Isabela; Mark Roan Anthony Reyes, 19, mula San Manuel, Tarlac; at Sherilyn Viray, 18, na taga-Baguio City.
Ang limang suspek ay naaresto sa loob ng bahay ng isang Anna-Lyn Lee, na kinilala ni Castro na siyang “drug queen” na di-umano’y pumalit sa drug dealing business ng kaniyang pamilya sa namatay niyang kapatid na lalaki.
Inaresto rin si Lee.
“Her clients are teenagers and she uses her house as the drug den,” ani Castro sa isang panayam.
Sinabi ni Castro na isa pang teenager na kinilalang si Alexandra Domingo, 19, ang inaretso rin sa isang hiwalay na operasyon.
Kinilala niya si Domingo bilang “(nagmula sa) isang drug-dealing na pamilya na may mahabang kasaysayan ng kabagsikan sa lungsod ng Baguio”.
Sinabi ni Castro na inaresto si Domingo matapos siyang magbenta ng isang packet ng shabu sa isang undercover agent sa Quirino Hill, Baguio City. Nakumpiska sa kaniya ang mga iligal na droga at drug paraphernalia.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
October 5, 2020
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025